Kilala rin bilang PSLF o PSLLF; isang propesyunal na organisasyong nagtataguyod ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino, pangunahin sa edukasyon at sa pananaliksik. Ang PSLLF ay isa rin sa mga kasaping-organisasyong tagapagtatag ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) na nanguna sa matagumpay na pakikibaka para mapanatili ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Mga Opisyal ng PSLLF

[Last updated on 26 Abril 2021]

Kasalukuyang Pamunuan

Pangulo         

David Michael M. San Juan, PhD

Full Professor sa Departamento ng Filipino at Affiliate ng Southeast Asia Research Center and Hub (SEARCH) sa De La Salle University-Manila (DLSU-Manila). Nagtapos ng doktorado sa Southeast Asian Studies sa Centro Escolar University, Master of Arts in Teaching Filipino sa Philippine Normal University, at BSE Filipino (magna cum laude) sa Bulacan State University. Kasalukuyang kumukuha ng PhD in Development Studies (Research Track) sa Political Science Department ng DLSU-Manila. Itinanghal na Makata ng Taon 2010 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil sa pagwawagi ng Unang Gantimpala sa Gawad Komisyon sa Tula-Talaang Ginto , at Mananaysay ng Taon 2009 dahil sa pagwawagi ng Unang Gantimpala sa Gawad Surian sa Sanaysay ng KWF. Awtor ng teksbuk at/o lektyurer sa mga paksang pangkultura, pang-edukasyon, at pangkaunlaran. Bilang kinatawan ng PSLLF, nagsilbing Vice Head ng Pambansang Komite sa Wika at Salin (National Committee on Language and Translation) sa ilalim ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Kasalukuyang Associate Member ng Division 1 (Governmental, Educational and International Policies) ng National Research Council of the Philippines (NRCP). Isa sa mga lead convener ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) na nagtataguyod ng pagkakaroon ng Filipino at Panitikan bilang mga required na asignatura sa kolehiyo.

Pangalawang Pangulo

Santiago T. Flora, Jr.

Kasalukuyang City Government Assistant Department Head II sa pamahalaang panglungsod ng Quezon City. Dating Pangalawang Pangulo para sa Operasyon at Direktor ng Opisina ng Gawain at Serbisyong Pangmag-aaral ng Quezon City Polytechnic University.  Nagtapos siya ng Bachelor of Arts major in Technical Filipino (cum laude) sa Gregorio Araneta University Foundation at Master in Government Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.  May mga yunit din siya sa MA Filipino sa UP Diliman at PhD Filipino sa De La Salle University.

Kalihim

Jonathan Vergara Geronimo, PhD

Kasalukuyang guro sa University of Santo Tomas. Nagtapos ng PhD sa Araling Filipino – Wika, Kultura at Midya sa De La Salle University-Manila. Nagsilbi siyang Managing Editor ng HASAAN, interdisiplinaryong journal sa Filipino ng UST at Kawing Journal ng PSLLF sa kasalukuyan. Naging kalahok ng mga pambansang palihan kabilang ang ika-6 na Palihang Rogelio Sicat, 2nd UST National Creative Writing Workshop at KRITIKA National Workshop on Art and Cultural Criticism. Nailathala ang kanyang mga pananaliksik sa pambansa at internasyunal na journal kabilang ang Dalumat, Malay at Kritike: International Journal on Philosophy. Nagwagi sa Gawad Sanaysay ng KWF (2012) at Katiting Micro-fiction Contest ng NHCP (2015). Napili siyang maging kalahok sa Performance Studies International Summer School sa Daegu, South Korea (2017). Kasapi siya ng mga samahang pangwika at pangguro kabilang ang pagiging Kalihim ng PSLLF, Secretary General ng ACT Private Schools at naihalal na maging kasapi ng Executive Committee ng NCCA-National Commission on Language and Translation (mula 2020-2022).

Katuwang na Kalihim     

Alvin Ringgo C. Reyes

Kasalukuyang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas na pinagtuturuan din niya ng mga kurso sa Filipino at edukasyong propesyonal bílang assistant professor. Bago ito, nagsilbi siyáng Tagapangulo ng Departamento ng Edukasyong Pangguro ng Kolehiyo ng Edukasyon ng nasabing unibersidad. Kandidato siyá sa pagtatamo ng digring Doktor ng Pilosopiya sa Araling Filipino – Wika, Kultura, Midya sa Pamantasang De La Salle – Maynila na pinagtapusan din niya ng Master sa Sining sa Araling Filipino – Wika, Kultura, Midya na may karangalang Pinakamahusay na Tesis. Natapos naman niya ang Bachelor of Secondary Education Major in Filipino (Magna Cum Laude) sa UST. Naging awtor at editor na si G. Reyes ng teksbuk sa Filipino sa lahat ng antas ng Junior at Senior High School sa mga pangunahing publikasyon gaya ng Vibal Group at Diwa Learning Systems. Naanyayahan na rin siyang tagapagsalita o tagapagsanay sa di-mabilang na seminar-workshop sa Filipino at edukasyong propesyonal. Sumailim siya sa pagsasanay ng Komisyon sa Wikang Filipino sa batayang pagsasalin noong 2018 at nakapagsalin ng nobelang pambata na “Si Agni at ang Ulan” (Agni y la lluvia) ni Dora Sales sa ilalim ng Adarna House (2019). Naging fellow siya sa Ikatlong Palihang Rogelio Sicat ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 2010, 2nd J. Elizalde Navarro National Workshop in the Criticism of the Arts and the Humanities ng UST noong 2010, at UST Creative Writing Workshop noong 2012. Mula 2010, nagsisilbi siyáng Kagawad ng Lupon ng Direktor ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino. Magsisilbi rin siyáng Kalihim ng Pambansang Lupon sa Wika at Salin at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA – NCLT) mula 2020 hanggang 2022. Pasado ng Diplôme d’études en langue française (Diploma in French Language Studies), antas A1, nakapaglakbay na si G. Reyes sa 38 bansa.

Ingat-yaman                                                 

Emma O. Sison

Nagtapos ng BSE Major sa Filipino at Minor sa Ingles sa Philippine Normal College, Maynila. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at kasalukuyang nasa proseso ng disertasyon ng PhD Laderrized Program ng Filipino Language and Literature sa Pamantasang De La Salle. Nagturo siya sa paaralang sekundarya ng 13 taon at  pang 32 taon na siyang nagtuturo sa kolehiyo. Naging bahagi siya ng pagtatatag ng De La Salle–Kolehiyo ng Saint Benilde mula noong taong 1988 hanggang 2010. Sa kasalukuyan ay patuloy na nagtuturo bilang part-time na fakulti ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Malalayang Sining sa Pamantasang De La Salle. Naging ingat-yaman  at patuloy siyang kasapi ng lupong tagapagpaganap ng PSLLF. Siya din ay Teacher Trainor Specialist ng Diwa Learning System Inc.

Awditor                                                         

Candelaria Cui-Acas, PhD

Nagretirong Puno, Sangay ng Impormasyon, Komisyon sa Wikang Filipino. Nagtapos ng PhD Filipino sa Manuel L. Quezon University.

Mga Direktor 

Aurora E. Batnag, PhD*

Dating Direktor III sa Komisyon sa Wikang Filipino. Nagtapos siya ng doktorado sa linggwistika sa Philippine Normal University-Manila at ng Advanced Certificate Course in Translation sa Regional Language Centre, Singapore. Nagtamo siya ng mga gantimpala sa pagsulat ng maikling kuwentong pambata at nakapagpalathala ng mga pag-aaral na pangwika. Marami na siyang nalathalang pampanitikang salin, kabilang ang Si Alice sa Daigdig ng Hiwaga (Alice in Wonderland ni Lewis Carroll), Takipsilim sa Djakarta (Twilight in Djakarta ni Mochtar Lubis), at iba pa. Ko-awtor /ko-editor siya ng mga aklat sa pagsasalin: Patnubay sa Pagsasalin, Teksbuk sa Pagsasalin, at Pagsasalin: Teorya at Praktika. Ko-awtor ng Sayusay: Sining ng Mabisang Pagpapahayag. Nagturo siya ng mga kursong gradwado sa University of the East, PNU-Manila at De La Salle University – Manila. Siya ay konsultant ng Pambansang Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), miyembro ng Executive Committee ng Komite sa Wika at Salin ng NCCA, past president ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), at dating miyembro ng Lupon ng mga Konsultant sa Filipino sa DLSU–M.

Teresita F. Fortunato, PhD*

Professor sa wika at literatura, media studies sa andergradweyt, at linggwistiks, pagsasalin  at pagtuturo ng wika sa graduate school, ko-awtor ng mga teksbuk, lektyurer sa pambansa at internasyonal na komperensya. Nagtapos ng  BSEEd (cum laude), certificate of  specialization in Filipino, MA in Education with specialization in Filipino Linguistics  at  Ph.D. in Linguistics mula sa  Philippine Normal University,  may Certificate Course in Advanced Language Testing bilang DECS-SEAMEO scholar  sa Regional Language Centre, Singapore (1990). Naging Fulbright Asian Scholar – in-Residence (ASIR) sa University of  Washington, Seattle, Washington, USA  (1992) at sa University of Wisconsin-Madison  (2000)  sa programa ng South East Asian Studies Summer Institute (SEASSI). Nakapagturo sa Division of City Schools (DCS), Caloocan City,  Faculty of Arts and Letters  University of Santo Tomas,  Arizona State University, Tempe, AZ  (1996) at University of Wisconsin-Madison (2011, 2014), visiting professor, DLSU Dasmarinas,  at  naging tagapangulo ng Departamento ng Filipino, koordineytor ng gradwadong aralin at Associate Dean ng College of  Liberal Arts,  retiradong   faculty ng  De La Salle University-Manila.  Tumanggap ng 3 Gawad SURIAN sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes, Distinguished Teacher (DCS, Caloocan), National Award as Educator/Administrator (PNUAA), Cecilio M. Lopez Professorial Chair, Don Eduardo Cojuangco Sr. Adm. Chair, Gawad ng Pagkilala, Dangal ng Wika 2020  mula sa KWF, Gawad Lasallian at Gawad KAPFIL. Naging miyembro ng CHED Technical Panel, consultant/evaluator ng DepEd Textbook Evaluation Team,  Execon ng NCCA, NCLT, naging pangulo  ng PSLF at PSLLF, lifetime member ng Linguistic Society of the Philippines,  tagapagsalin ng mga aklat, research questionnaires/surveys, assessments sa iba’t  ibang larang   at lektyurer/trainor sa  national, regional, division schools press conferences. 

Crizel Sicat-De Laza

Kasalukuyang Assistant Professor sa College of Education ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Dating propesor ng wika at panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtapos siya ng BA Philippine Studies, cum laude, noong 2008 sa UP-Diliman at MA Education, magna cum laude, noong 2010 sa Saint Louis University. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang doktorado sa programang Ph.D. Language Planning sa UP, Diliman. Kasalukuyan siyang Associate Editor ng HASAAN Journal, ang pambansang refereed journal sa Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas.  Nakapaglathala na rin siya ng mga teksbuk sa wika at panitikan para sa elementarya, hayskul at kolehiyo. Isa siya sa mga nagtatag at kasalukuyang convener ng TANGGOL WIKA (Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino). Konsultant at textbook evaluator siya ng DepEd at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Jayson D. Petras, PhD

Kasalukuyang Katuwang na Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman at Affiliate Faculty ng Faculty of Education, UP Open University. Nagsilbi rin siyang Visiting Researcher-Professor sa Faculty of Liberal Arts, Mahidol University, Thailand. Nagtapos siya ng BA Araling Pilipino (magna cum laude) at MA Araling Pilipino (na may mga disiplina sa Panitikan at Sikolohiya) sa UP Diliman at kasalukuyang nagtatapos ng PhD Filipino: Pagpaplanong Pangwika sa nasabi ring unibersidad. Nagsisilbi siya bilang PRO at isa sa mga Lupon ng mga Direktor ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) at Pambansang Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS). Gayundin, naglingkod siya bilang Kalihim at Direktor ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP). Nakapaglathala na siya ng mga artikulo tungkol sa Araling Pilipino, Panitikan, Wika, at Sikolohiya sa iba’t ibang dyornal at nakapagbigay ng mga panayam sa loob at labas ng bansa. Nakapagsalin na rin siya sa Filipino ng mga teknikal na dokumento sa sikolohiya gaya ng PID-5 para sa pananaliksik sa UP Departamento ng Sikolohiya, TD-12 ng China Select, at pananaliksik sa “Feelings of Nationalism in Southeast Asia” ng Singapore Management University. Ilan sa mga gawad na kaniyang natamo ay ang International Publication Award ng UP Office of the Vice President for Academic Affairs, Thai Language Training Grant ng Southeast Asian Studies Regional Exchange Program, at The Empowering Network for International Thai and ASEAN Studies ng Institute of Thai Studies, Chulalongkorn University-Thailand.

Marina Merida, EdD

Mula 1991, Propesor ng Filipino sa St. Scholastica’s College-Manila (SSCM). Bahagi rin siya ng Social Development Department, Theology, Women’s Studies, at naging puno ng Departamento ng Wika at Panitikang Filipino sa SSCM. Tapos ng Doktorado sa Edukasyon (EdD), major sa Educational Management sa Philippine Christian University-Manila,  MA sa Philippine Studies major in Philippine Development sa De La Salle University-Manila,  MA in Special Education sa St. Scholastica’s College-Manila, at BSEd major in Filipino sa St. Paul University-Manila at cognate sa Women’s Studies sa NURSIA Institute of Women’s Studies ng St. Scholastica’s College-Manila. Manunulat at koordineytor ng mga teksbuk sa Filipino sa junior high school, at nakapagpresenta na rin nga lektura sa mga kumperensya sa Pilipinas, Nepal, South Africa, at Zimbabwe. Tagapagtaguyod din siya ng isyung pangkababaihan, pambata at pang-persons with disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng pagtuturo, saliksik, at mga seminar at training katuwang ng mga non-government organizations (NGOs). 

Honorary (bilang retiradong dating pangulo ng PSLLF:

Pamfilo D. Catacataca, PhD*

Dating Direktor IV, Komisyon sa Wikang Filipino. Nagtapos ng Ph.D. sa University of the Philippines. Awtor at editor ng mga teksbuk. Nagtuturo ng Filipino sa National Teachers College.

*Mga Dating Pangulo

[Inu-update as of 26 Abril 2021]

Contact

Maaari po kayong magpadala ng mensahe sa Facebook page ng PSLLF.

This is a contact page with some basic contact information and a contact form.