Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral

MGA ISYU NG LUNTIAN:

Mayo 2022

Enero 2022

Agosto 2021

Marso 2021

Agosto 2020

Disyembre 2020

~~~

Panawagan para sa Luntian

Ang Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral [ISSN 2719-0463 (Online)] ay tumatanggap ng mga malikhaing akda gaya ng tula, malikhaing kuwento at sanaysay/malikhaing di-katha. 

Maaaring magpasa ng 2-3 tula na may habang di lalampas sa dalawang pahina ang bawat tula, 1 maiklingkuwento na may 1-5 pahina na may laktaw ang bawat talata, at sanaysay na may 2-5 pahina na may laktaw ang bawat talata.  Nasa sukat ng short bondpaper ang bawat pahina, 12pts., Arial o Times New Roman. 

Ang bawat ipapasang lahok sa Luntian ay sasailalim sa proseso ng double blind review o proseso ng refereeing.

Dalawang file ang kinakailangang ipadala sa email: luntianjournal@gmail.com

Ang unang file ay akda na may pamagat ngunit walang pangalan at anumang pagkakakilanlan ng may-akda; ang ikalawang file naman ay bionote ng may-akda kasama ang pamagat ng ipinasang akda. Ang bionote ay 1-3 pangungusap lamang.

ANTABAYANAN ANG PETSA NG PAGSUSUMITE para sa mga susunod na isyu.

Ang Luntian ay inilalathala ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink. nang apat na beses bawat taon (quarterly).

Para sa regular na update kaugnay ng panawagang ito, bisitahin ang www.facebook.com/luntianjournal at ang https://sites.google.com/view/luntianonlinejournal

[Ang video ng pormal na paglulunsad ng Luntian noong  ika-28 ng Agosto 2020, 10:00 n.u. – 12:00 n.t. ay mapapanood sa: https://www.facebook.com/luntianjournal/videos/766781477480688]