𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗣𝗦𝗟𝗟𝗙 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗜𝗞𝗦𝗜𝗞 𝟮𝟬𝟮𝟯! 𝗦𝗔𝗟𝗜 𝗡𝗔!
𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗻𝘁𝘂𝗻𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗧𝗶𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸
1. Ang Gawad PSLLF sa Saliksik ay timpalak na itinataguyod ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literatura (PSLLF) upang parangalan ang pinakamahusay na tesis o disertasyon na nakasulat sa wikang Filipino.
2. Bukas ang timpalak sa lahat ng aktibong miyembro ng PSLLF, maliban sa mga opisyal ng Samahan at mga kaanak nila. Sinumang hindi pa miyembro ay kailangang magpamiyembro upang makalahok sa timpalak.
3. Ang lahok ay kailangang makapasa sa sumusunod na kraytirya:
a. Tapos nang tesis o disertasyon (panahong saklaw: 2020-2023)
b. Tungkol sa alinmang paksa
c. Nakasulat sa wikang Filipino
d. Naiharap na sa panel ng mga tagasuri
e. Tinanggap na ng kaguruan ng pamantasang pinagtapusan ng kalahok
4. Upang makasali, ipapadala ng kalahok sa pdf format ang sumusunod:
a. Profile/Curriculum Vitae;
b. abstrak ng pag-aaral na hindi lalampas sa 350 salita. Banggitin ang layon, metodolohiya, at resulta o natuklasan sa pag-aaral. Hindi na kailangang isama sa abstrak ang mga talahanayan, tsart, at iba pang katulad, at
c. buong kopya ng lahok na tesis/disertasyon kasama ang pahinang pagpapatibay na makapagpapatunay na ang lahok ay aprobado na sa pagtatamo ng degri.
6. Ilalagay sa isang GDrive folder ang lahat ng mga kahingiang dokumentong binabanggit sa blg.4 at i-uupload sa link na ito: https://forms.gle/9bbB39tdKaJynLYo6
8. Awtomatikong diskwalipikado ang mga lahok na kulang sa isusumiteng mga kahingiang dokumento at napatunayang nakalahok na sa mga nakaraang panawagan kaugnay sa timpalak.
9. Pipili ng tatlong finalist para sa magkahiwalay na kategorya ng tesis at disertasyon.
10. Narito ang mahahalagang petsa kaugnay ng timpalak:
a. Huling araw ng pagpapasa ng entri: Setyembre 15, 2023
b. Pagpili ng mga finalist: Set. 16-Okt. 13, 2023
c. Patalastas sa mga finalist: Okt. 15, 2023
d. Presentasyon ng 3 finalist: Okt. 26, 2023.
11. Sa araw ng presentasyon, pipiliin ang magwawagi batay sa preliminaryong pagtataya sa nilalaman ng papel (50%) at husay ng presentasyon (50%). May karapatan din ang mga Lupon ng Inampalan na magtakda ng karagdagang pamantayan sa pagtatasa ng kalidad at ambag ng mga lahok na pag-aaral.
12. Lahat ng kalahok ay tatanggap ng Katibayan ng Paglahok. Ang 3 finalist ay tatanggap ng Katibayan ng Kahusayan. Isa lamang ang magwawagi na tatanggap ng premyong salapi at tropeo na sariling disenyo ng PSLLF.
13. Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Facebook page ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink.
~~~
Iniimbitahan din ang lahat na lumahok sa Suri, Saliksik, Sanay 5 sa Oktubre 2023: https://www.facebook.com/photo/?fbid=783066126944491&set=a.772072511377186