PSLLF LIFETIME Membership

Kwalipikasyon at Proseso sa Aplikasyon Bilang Habambuhay na Kasapi ng PSLLF

Ang anunsyong ito ay aplikable na sa lahat ng mag-aaplay na habambuhay na kasapi MULA Hulyo 23, 2019.

1) Ang unang kwalipikasyon sa aplikasyon bilang habambuhay na kasapi/lifetime member ng PSLLF ay 5 taong consecutive na annual membership O KAYA’Y 8 taong non-consecutive na annual membership. [Para sa impormasyon hinggil sa annual membership, tumungo sa https://psllf.org/2019/07/18/psllf-membership/ ]

2) Bukod sa unang kwalipikasyon, KAILANGAN DIN ANG 3 MAN LAMANG sa alinman sa mga sumusunod na karagdagang kahingian:

a. Lumahok na sa 3 man lamang na Pambansang Seminar (tuwing Oktubre) ng PSLLF AT 3 man lamang na iba pang seminar ng PSLLF.

b. Nakapagtapos na ng MA o PhD (o katumbas nito).

c. Nagkamit ng national award/s.

d. May 3 man lamang na publikasyon (journal article, akdang pampanitikan, o kaya’y book chapter), o isang buong libro, o tatlong librong inedit, na inilathala ng reputable publishers.

3) Ang aplikasyon para sa habambuhay na kasapi ng PSLLF ay maaaring simulan sa pamamagitan ng pagpapasa ng .pdf copy ng curriculum vitae (pokus sa mga kwalipikasyon/kahingian ng aplikasyon) at mga .pdf o .jpg attachment (gaya ng scanned copy ng mga ID at/o resibo ng annual membership; diploma at transcript of records sa MA at/o PhD; sertipiko ng paglahok sa mga aktibidad ng PSLLF; katibayan ng pagkakamit ng national award/s; sipi ng journal o akdang pampanitikan; kung libro, hindi na kinakailangang isumite ang buong kopya, sa halip ay pabalat, copyright page, at table of contents na lamang) sa psllf.org@gmail.com

4) Ang desisyon hinggil sa aplikasyon ay ipapabatid ng PSLLF sa pamamagitan ng email, 1-2 buwan mula sa araw ng pagsusumite. Kinakailangang mag-fill-out ng ONLINE LIFETIME MEMBERSHIP FORM ang nag-aplay at magbayad ng lifetime membership fee na 4,000 piso, kapag pinagtibay ang kanyang aplikasyon. Narito ang lifetime membership forms:

PARA SA WALANG GMAIL ACCOUNT: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfy3N9zmF2CR5vmu88HtA-0IXa6vHIx-v6joJz8SpzZXo6TRA/viewform

PARA SA MAY GMAIL ACCOUNT:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeUol54V96j5YxGPOqC9rgwQIIOt0OGm01eSZl3m-EkqnEkfg/viewform

5) Ang membership fee ay maaaring ibigay sa aktibidad ng PSLLF. Kung hindi pa makakalahok sa mga aktibidad, maaari ring magdeposit ng membership fee AT karagdagang 200 piso (kung nais mong ipa-LBC sa iyo ang iyong ID at resibo) sa UCPB ACCOUNT NAME: Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino Inc. at ACCOUNT NUMBER: 10-120-0000-932. Pagkatapos naming makumpirma ang pagbabayad ay agad na ipoproseso ang resibo at PLASTIC ID CARD (basta’t nakapagpasa na rin ng SCANNED copy ng 1×1 na larawan AT E-SIGNATURE). Maaari ring kunin sa Maynila ang ID at resibo (kontakin ang 0927-2421-630). Para sa mga lugar na walang UCPB, maaari ring ipakideposit ang bayarin sa alinmang LBC branch. Sabihin lamang na ideposit iyon sa UCPB ACCOUNT NAME: Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino Inc. at ACCOUNT NUMBER: 10-120-0000-932.

6) Ilan sa mga benepisyo ng habambuhay na kasapi ang mga sumusunod:

a. prayoridad sa diseminasyon ng mga anunsyo via email (kasama na ang mga hinggil sa libreng CPD seminars)

b. awtomatikong diskwento sa lahat ng may bayad na seminar ng PSLLF

c. maaaring maimbitahang lektyurer o facilitator sa mga seminar at worksyap ng PSLLF

d. prayoridad sa mga espesyal na maliitang pangkatang worksyap ng PSLLF

e. wala nang taunang membership fee na babayaran

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s