CPD SEMINAR (15 CPD Credit Units): “Suri, Saliksik, Sanay 3: Pambansang Kumperensya at Seminar-Worksyap 2019 ng PSLLF”
Suri, Saliksik, Sanay 3: Pambansang Kumperensya at Seminar-Worksyap 2019 ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)
Tema: Kulturang Popular, Pagsasalin, at Mga Inobasyon sa Pedagohiya ng Filipino at Panitikan
IDOWNLOAD ang LIHAM-IMBITASYON, PROGRAMA, at TRAINING MATRIX: https://psllf.files.wordpress.com/2019/08/panlahat-letter-invitation.psllf_.sss3_.2019.pdf
23-26 Oktubre 2019 (4 days; Miyerkoles hanggang Sabado)*8am-5pm*
Venues: Day 1 sa St. Scholastica’s College, Manila (malapit sa LRT1 Vito Cruz Station); Day 2-4 sa Citystate Tower Hotel, Ermita, Manila (malapit sa Robinsons Mall Manila)
ANG SEMINAR NA ITO AY PINAGKALOOBAN NG 15 CREDIT UNITS NG PRC.
EARLY BIRD RATE para sa lahat: 3,500 piso (Hulyo 16-Agosto 16, 2019)
EARLY BIRD DATE para sa miyembro ng PSLLF: 3,500 (Hulyo 16-Agosto 31, 2019)
REGULAR RATE: 4,000 piso (Setyembre 1-Oktubre 23, 2019)
ACCOUNT NAME: Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino Inc.
ACCOUNT NUMBER (UCPB-Vito Cruz): 10-120-0000-932
Pwede ring sa LBC magbayad. SABIHIN LAMANG SA LBC na magreremit/magpapadeposit sa UCPB account ng PSLLF.
ISCAN/PIKTYURAN ang DEPOSIT SLIP/TRANSACTION SLIP at i-email sa psllf.org@gmail.com at DALIN SA ARAW NG SEMINAR. Banggitin sa email kung kanino ipapangalan ang resibo ng rehistrasyon, gayundin ang inyong contact number.
*Kanya-kanyang gastos sa pagkain sa Day 1 ng seminar. Kanya-kanya ring gastos sa at paghahanap ng akomodasyon. Ang registration fee ay para sa pagkain (meryenda sa umaga, tanghalian, at meryenda sa hapon) at venue sa Day 2-4 ng seminar.
Para sa nangangailangan ng matutuluyan: Citystate Tower Hotel: (02) 708-9600 to 09 at 314-5144; UCCP Shalom Center: 0917-886-1017/(02) 524-6242; Lotus Garden Hotel: (02) 522-1515 at 522-0768 (Lotus Garden Hotel); YMCA: (02) 527-6982 to 85 o 528-0559; Boy Scouts of the Philippines: (02) 522-0047; PNU Hostel: 317-1768 loc.773/531
MAGDALA NG VALID ID. Bukas ito para sa LAHAT (MIYEMBRO MAN O HINDI NG PSLLF).
Ang miyembro ng PSLLF ay MAY DISKWENTO.
Para sa MAGMIMIYEMBRO PA LAMANG o sa MAG-RERENEW PA LAMANG NG MEMBERSHIP PARA SA 2019, may dalawang opsyon: 1) magpamiyembro sa araw mismo ng libreng seminar; 2) magpamiyembro na ngayon: bit.ly/PSLLFMembership2019 o kaya’y https://www.facebook.com/PSLLF/photos/pb.177282632359855.-2207520000.1550721036./2096523763769056/?type=3&theater
PROGRAMA
Araw 1: Oktubre 23, 2019 (Miyerkoles)
Panalangin at Pambansang Awit
Bating Pagtanggap – Dr. David Michael San Juan (Pangulo, PSLLF/Associate Professor, DLSU)
8am – 9:00 am: Lekturang Talakayan/Susing Panayam
Adyenda sa Pananaliksik sa Larangan ng Kulturang Popular, Pagsasalin at Pedagohiya ng Filipino at Panitikan – Dr. Feorillo Demeterio III (DLSU)
9:00 – 12:00 noon: Unang Bahagi ng Kumperensya: Presentasyon ng Piling Kalahok sa GAWAD PSLLF sa SALIKSIK 2019 (Natatanging Tesis at Disertasyon)
(Presentasyon ng piling tesis o disertasyon sa antas gradwado ng piling kalahok sa Gawad PSLLF sa Saliksik 2019. Narito ang Panawagan para sa mga Kalahok sa Gawad PSLLF sa Saliksik 2019: PAGE 4 ng dokumentong ito: https://psllf.files.wordpress.com/2019/07/panlahat-letter-invitation.psllf_.sss3_.2019-1.pdf)
12 noon – 1pm: Tanghalian
1-5pm: Ikalawang Bahagi ng Kumperensya: Presentasyon ng Papel-Pananaliksik
(Presentasyon ng piling papel-pananaliksik alinsunod sa ilalabas na Panawagan para sa Mga Papel/Call for Papers. May 30 minutong ilalaan sa kada presentor. Maaaring maging mga sesyong paralel kung marami ang nagpasa at nakapasa sa screening committee. Narito ang Panawagan para sa Mga Papel: PAGE 3 ng dokumentong ito: https://psllf.files.wordpress.com/2019/07/panlahat-letter-invitation.psllf_.sss3_.2019-1.pdf)
Araw 2: Oktubre 24, 2019 (Huwebes)
8am – 12 noon : Lekturang Talakayan at Worksyap
Kulturang Popular Bilang Materyal na Panturo – Prop. Jonathan V. Geronimo (UST/PSLLF)
Mga Metodo sa Pananaliksik sa Kulturang Popular – Dr. Rowell Madula (DLSU)
12 noon – 1pm : Tanghalian
1-5pm: Lekturang Talakayan at Worksyap
Pagsasalin ng Mga Akdang Pampanitikan: Teorya at Praktika – Dr. Aurora E. Batnag (PSLLF/DLSU)
Pagsasaling Teknikal – Dr. Raquel Sison-Buban (DLSU)
Araw 3: Oktubre 25, 2019 (Biyernes)
8am – 12 noon : Lekturang Talakayan at Worksyap
Kultura at Pagsasalin sa Sikolohiya – Dr. Ester Rada (SBU/PSLLF)
Pagtuturo at Pananaliksik sa Sikolohiya ng Wikang Filipino – Prop. Jayson Petras (UPD/PSLLF)
12 noon – 1pm : Tanghalian
1-5pm: Lekturang Talakayan at Worksyap
Wikang Malay sa Kasarian sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan – Prop. Crizel Sicat-De Laza (UPD/PSLLF)
Araw 4: Oktubre 26, 2019 (Sabado)
8am – 12 noon : Lekturang Talakayan at Worksyap
Teorya at Praktika sa Pagtuturo ng Panitikan at Pelikula sa Kolehiyo – Dr. David Michael M. San Juan (DLSU/PSLLF)
12 noon – 1pm : Tanghalian
1-5pm: Lekturang Talakayan at Worksyap
Kasanayang PangSiglo 21 sa Filipino at Panitikan – Prop. Alvin Ringgo Reyes (UST/PSLLF)
Blended Learning Bilang Lunsaran ng Mga Performance Task sa Filipino – Prop. Emma Olila-Sison (DLSU/PSLLF)