Tuntunin para sa Paglahok sa Panayaman 2020: Libreng E-Seminar ng PSLLF@50

(PARA SA UPDATES TUNGKOL DITO, BISITAHIN ANG SUMUSUNOD NA LINK: https://psllf.org/2020/05/07/updated-na-iskedyul-at-detalye-sa-pagpoproseso-ng-e-sertipiko-para-sa-panayaman-2020-libreng-e-seminar-sa-intelektuwalisasyon-ng-filipino-psllf50/  Ang nasa ibaba ay ang orihinal na anunsyo sa paglulunsad ng PANAYAMAN 2020):

Makabuluhang ika-50 taong anibersaryo mga ka-PSLLF!

Bilang bahagi ng buong taon nating pagdiriwang ng makasaysayang okasyong ito, inihahandog ng samahan ang kauna-unahang libreng e-seminar sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.

Tuntunin para sa Paglahok sa Panayaman 2020: Libreng E-Seminar ng PSLLF

1. Bukas ang e-seminar sa lahat ng interesadong indibidwal, kasapi man o hindi ng PSLLF.

2. Ang iskedyul, paksa at tagapagsalita ng e-seminar ay ipapaskil ilang araw bago ang nakatakdang araw ng panayam kung kaya abangan ang mga anunsyo sa opisyal na facebook page ng PSLLF.

3. Sa aktwal na iskedyul ng e-seminar, i-like ang page ng PSLLF, manood at mag-share ng isasagawang panayam.

4. Walang pre-registration. Matapos ang bawat panayam, kailangan magrehistro sa ibibigay na link sa mismong araw. Ibigay ang mga hihinging impormasyon gayundin, ang maikling talata ng mahahalagang natutuhan. Ito ang magiging batayan ng ibibigay na e-certificate.

5. Sagutin din ang kalakip na ebalwasyon sa nasabing link.

6. Gamitin ang opisyal na hashtag #PSLLF50 at abangan ang iba pang hashtag na ibibigay kaugnay sa partikular na panayam. Mahalagang gagamiting batayan ang mga hashtag na ito para sa balidasyon ng paglahok para sa partikular na paksa at iskedyul ng lektura. Maaari rin mag-iwan ng mga komento bilang reaksyon, katanungan at mungkahi sa panayam.

7. Ibibigay ang sertipiko isang linggo matapos ang panayam at ipapadala sa email na inilagay sa pormularyo ng rehistrasyon.

8. Sa iba pang katanungan, magpadala lamang ng mensahe sa page na ito.

9. ANTABAYANAN sa web page na ito at sa Facebook page ng PSLLF ( www.facebook.com/PSLLF ) ang regular na updates.

*Ipalaganap ang pabatid na ito.

ISKEDYUL NG MGA LEKTURA:

Mayo 6, 2020 (Miyerkoles) 8pm:                                                                                             “Wika at Kalusugan: Mga Modelong Tugon sa Krisis na Dulot ng COVID-19 sa Loob at Labas ng Pilipinas”                                                                                                              Lektyurer: David Michael M. San Juan (Pangulo, PSLLF; Propesor, DLSU-Manila)

Mayo 11, 2020 (Lunes) 8pm:  “Paglusong at Pagsulong sa Wika, Kultura, at Lipunang Filipino sa Sistemang Dihital: Pagtuturo at Pagkatuto sa ODeL (Open and Distance e-Learning)”  Lektyurer: Jayson Petras (Direktor, PSLLF; Propesor, UP-Diliman)

0004E6BB-1494-4F2A-9121-B172B2951DBE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s