Remedyo para sa mga HINDI NAKATANGGAP ng E-SERTIPIKO o MAY GUSTONG IPABAGO SA SPELLING SA SERTIPIKO para sa Panayaman 2020 ng PSLLF (hanggang Lektura 6 lang po ito available)
Sa mga nakaraang anunsyo ay naipaliwanag na po namin ang mga karaniwang dahilan kung bakit hindi pa ninyo natatanggap ang inyong e-sertipiko. ANG PINAKA-KARANIWANG DAHILAN PO AY ITO (batay sa mga nakumpirma na namin):
1) NATANGGAP ANG E-SERTIPIKO PERO SA SPAM FOLDER dumiretso (KAYA MULI PO NAMING HINIHILING, KUNG HINDI PA NINYO NAGAWA, NA PAKI-CHECK PO ang inyong SPAM folder);
2) Ang inyo pong e-mail address ay HINDI TUMATANGGAP ng email sa bagong contact at/o contact sa labas ng inyong organisasyon/network (ITO ANG PINAKA-COMMON sa mga email na may @deped.gov.ph NA NAPADALHAN PO NAMIN – KUMPIRMADONG NASA SENT ITEMS NAMIN, PERO NAG-BOUNCE DAHIL DI TINATANGGAP ng email recipient; KAUGNAY NITO, PARA SA REMEDYO, HUWAG NA PO DEPED EMAIL ANG GAMITIN NINYO; GUMAWA NA LAMANG PO KAYO NG BUKOD AT PERSONAL NINYONG GMAIL ACCOUNT);
3) NAGKAMALI ng pag-type sa email address ang participant: halimbawa, maraming @GMAL.COM ang nailagay o kaya’y @DEPED.GOV lamang ang nai-type (SA GANITONG SITWASYON, NATANGGAP PO NAMIN ANG INYONG SAGOT SA FORM, PERO NOONG IPADALA NA NAMIN SA INYO ANG INYONG E-SERTIPIKO, AY DOON SA MALING EMAIL ADDRESS NA ITINYPE NINYO NAPUNTA, NA NAG-BOUNCE LANG MULI SA AMIN; AUTOMATED NA PO KASI ANG PROSESO NATIN KAYA HINDI NA PO NAMIN ISA-ISANG TINITINGNAN ANG EMAIL-ADDRESS)
4) E-LEKTURA NG TANGGOL WIKA, SA HALIP NA PSLLF E-SEMINAR ANG TINUTUKOY NG PARTICIPANT.
Humihingi po kami ng inyong pag-unawa at pagpapasensya sa alinmang sitwasyong aplikable sa inyo.
Hinggil naman sa gustong ipabago sa spelling, nais po naming bigyang-diin na sa ganitong sitwasyon, kayo po ang nag-type ng pangalan na aming inilagay sa sertipiko sa pamamagitan ng automated na proseso. Samakatwid, anuman pong “mali” sa spelling ay dahil sa inyong itinype mismo sa form. Mangyaring maging mas maingat sa pagtatype ng pangalan sa susunod, upang makaiwas sa ganitong munting suliranin. Anu’t anuman, nasa ibaba rin po ang remedyo para mabigyan kayo ng bagong sertipiko. Salamat po sa pag-unawa.
~~~
ANTABAYANAN ANG REMEDYO para sa mga HINDI NAKATANGGAP ng E-SERTIPIKO o MAY GUSTONG IPABAGO SA SPELLING SA SERTIPIKO para sa Panayaman 2020 ng PSLLF: Lektura 6 (“Wika at Agham…”)
~~~
MULA LEKTURA 7 PO AY HINDI NA AVAILABLE ANG GANITONG REMEDYO.
~~~