Espesyal na Maikling Kurso sa Pagsasalin
Joint Offering ng Propesyunal na Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS) at Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)
(LIBRE)
Agosto 22, 2020 hanggang Setyembre 9, 2020
MEKANIKS PARA SA ASSESSMENT:
1. Tiyakin na na-like na ang Facebook page ng PSLLF (www.facebook.com/PSLLF) at PATAS (www.facebook.com/FILIPINOSALIN)
2. Tiyakin na napanood na ANG LAHAT ng mga lektura (10 lektura na mayroong 11 video). Narito ang 11 video ng nasabing 10 lektura: https://www.facebook.com/watch/177282632359855/806488493221747
3. Maghanda para sa ONLINE NA ASSESSMENT na isasagawa ngayong Sabado (Setyembre 12, 2020): 6-8pm lamang po bubuksan ang ONLINE NA ASSESSMENT. Ang eksamen ay binubuo ng 50 aytem (5 aytem para sa bawat lektura) na pawang may pamimiliang sagot.
4. Ang link sa pagsusulit ay masisipat sa Facebook homepage ng PATAS at PSLLF. Sa webpage din na ito mismo ay makikita ang link sa pagsusulit sa Sabado, Setyembre 12, 2020, 6-8pm.
5. Para makumpirma kung naisumite ang iyong mga sagot sa pagsusulit, i-check ang iyong email inbox (maaari ring tingnan ang folder ng “spam” o “promotions) pagkatapos na pagkatapos magsagot. Kung may natanggap kang sipi ng iyong sinagutan, sa iyong email, ibig sabihin ay naisumite ang iyong mga sagot. Kung wala kang natanggap na sipi ng iyong sinagutan, ibig sabihin ay MALING EMAIL address ang nai-type mo sa pagsasagot ng pagsusulit. Maaari kang muling magsagot gamit ang iyong tamang email address.
6. Eksaktong 8:05 pm sa araw rin ng pagsusulit ay i-rerelease via email ang resulta ng pagsusulit. Doon makikita ang marka, gayundin ang mga tamang sagot at paliwanag sa bawat aytem.
6. Ang lahat ng manonood AT mag-eeksamen ay makakatanggap ng SERTIPIKO NG PAGLAHOK.
7. Ang lahat ng makapasa sa eksamen ay bibigyan ng KARAGDAGAN/BUKOD na SERTIPIKO NG PAGPASA.
8. Antabayanan sa iyong email address ang sertipiko (maximum na 1 buwan ang pagpoproseso).
~~~
MGA LEKTURA:
Agosto 22 – Lektura 1: “Pagsasalin: Pagbasag sa mga Mito at Pagsasalin ng Metapora” – Dr. Raquel Sison-Buban
Agosto 25 – Lektura 2: “Impormasyon sa Panahon ng Pandemya: Pangkalusugang Pagsasalin” – Dr. Emmanuel Gonzales
Agosto 25 – Lektura 3: “Pagsilip sa Maikling Kasaysayan ng Pagsasalin ng Anime at Telenobela sa Pamamagitan ng Dubbing” – Dr. Ramil Correa
Agosto 27 – Lektura 4: “Pagsasalin ng Idyoma Ngayong May Pandemya” – Dr. Aurora Batnag
Agosto 29 (8:00-8:58pm) – Lektura 5: “Praktikal na Dulog sa Pagsasaling Pampanitikan” – Dr. David Michael M. San Juan
Setyembre 1 – Lektura 6: “Ang Pagsasalin nga ba ay Pagtataksil at ang Tagasalin ay Salarin?: Ilang Tala ng mga Karanasan sa Pagsasalin ng Katha” – Dr. Dolores Taylan
Setyembre 3 – Lektura 7: “Aghimuing Pilipino: Balik Tanaw at Kahalagahan Nito sa Kasalukuyang Pagsasalin” – G. Santiago Flora
Setyembre 5 – Lektura 8: “ Lenggwahe ng Pagsasalin ng Video Games (Tuon sa Mobile Legends)” – G. Juanito Anot, Jr.
Setyembre 8 – Lektura 9: “KaMALAYan sa Pagsasalin: Sarbey ng Mga Iskolarling Artikulo sa Pagsasalin sa Malay Journal (2009-2018)” – Dr. Rowell Madula
Setyembre 8 – Lektura 10: “Pagsasaling Ideolohikal: Ilang Panukala sa Pagsasalin ng mga Tekstong Pulitikal” – G. Jonathan V. Geronimo
~~~
Ang mga naunang lektura ay mapapanood muli sa https://www.facebook.com/watch/177282632359855/806488493221747