Panawagan para sa Mga Aplikante: Mga Tagapamahalang Editor at Mga Kawaksing Editor para sa Kawíng Journal ng PSLLF

Panawagan para sa Mga Aplikante: Mga Tagapamahalang Editor at Mga Kawaksing Editor para sa Kawíng Journal ng PSLLF*

*inupdate ang anunsyo ngayong 30 Setyembre 2021

Mga minimum na kahingian para sa Mga Tagapamahalang Editor (Managing Editor):

1) Tapos ng programang masteral

2) Lifetime member ng o nakapag-annual membership sa PSLLF

3) Preferably, may karanasan sa pangangasiwa ng journal o kaya’y kaugnay na karanasan gaya ng gawain sa publishing house atbp.

Mga Gawain ng Tagapamahalang Editor:

1) Paghahanda ng files para sa rebyu ng mga artikulo at akda.

2) Korespondensya sa mga rebyuwer

3) Korespondensya sa mga nagsumite ng saliksik/akda

~~~

Mga minimum na kahingian para sa Mga Kawaksing Editor (Associate Editor):

1) Tapos ng programang doktoral

2) Lifetime member ng o nakapag-annual membership sa PSLLF

3) Preferably, may karanasan sa pangangasiwa ng journal o kaya’y kaugnay na karanasan gaya ng gawain sa publishing house atbp.

Mga Gawain ng Kawaksing Editor:

1) Paglahok sa deliberasyon sa panimulang rebyu/pagsala ng mga artikulo at akda.

2) Monitoring sa korespondensya sa mga rebyuwer

3) Monitoring sa korespondensya sa mga nagsumite ng saliksik/akda

4) Monitoring sa progreso ng rebisyon ng saliksik/akda (para sa bawat editor, humigit-kumulang 15 saliksik at/o akda kada isyu ng journal)

Mga kailangang isumite sa aplikasyon (ipadala sa psllf.org@gmail.com):

1) Curriculum Vitae

2) E-copy ng transcript of records (mula kolehiyo hanggang sa huling natapos na digri)

3) E-copy ng 2 nalathalang saliksik (kung mayroon)

Paunawa: Hinihikayat ang mga kwalipikadong aplikante na AGAD magsumite ng aplikasyon. Agad na dedesisyunan ang bawat aplikasyong matanggap, isang linggo pagkatapos ng pagsusumite nito. Ang pagtanggap ng aplikasyon ay magpapatuloy hanggang sa may mapiling aplikante. Walang honorarium o anumang bayarin na matatanggap ang mapipiling aplikante dahil ang posisyong ito’y gawaing boluntir, gaya ng sa iba pang editor at konsultant ng Kawíng.  

Hinihikayat ang bawat aplikante na sipatin din ang webpage ng journal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s