ISKEDYUL (pana-panahong i-uupdate):
- Lektura 1: “Pagsulat ng Rebyu ng Kaugnay na Literatura” [24 Pebrero 2021 (Miyerkoles) 8pm] – Dr. David Michael M. San Juan (PSLLF/Tanggol Wika/DLSU)
- Lektura 2: “Paglilinaw sa Gamit ng Nang at Ng at Iba pang Samot-saring Paksa sa Sariling Editing” [03 Marso 2021 (Miyerkoles) 8pm] – Dr. Aurora E. Batnag (PSLLF)
- Lektura 3: “Katutubong Pamamaraan ng Pananaliksik” [12 Marso 2021 (Biyernes) 8pm] – Dr. Jayson Petras (PSLLF/UPD)
- Lektura 4: “Pagkakatalogo at Baselining ng Mga Simbahang Pilipino-Espanyol sa Diyosesis ng Maasin, Leyte: Mga Tala Hinggil sa Pagtitipon ng Datos para sa Mga Pananaliksik.” [26 Marso 2021 (Biyernes) 8pm] – Dr. Feorillo Demeterio III (DLSU), Dr. Jun Fernandez (VSU), at Dr. Leslie Anne Liwanag (VSU)
- Lektura 5: “Pakikipanayam/Interbyu Bilang Paraan ng Pagtitipon ng Datos” [16 Abril 2021 (Biyernes) 8pm] – G. Joshua Felicilda (DLSU)
- Lektura 6: “Pagkilatis at Pag-iwas sa Nagpapanggap na Journal, Kumperensiya, at Parangal” [30 Abril 2021 (Biyernes) 8pm] – Prof. Eunice Barbara C. Novio (Vongchavalitkul University, Thailand)
- Lektura 7: “Bakit Dapat Magsulat sa Filipino Ang Mga Mananaliksik na Pilipino?: Kritik sa Scopus-sentrismo ng Mga Unibersidad sa Pilipinas” [15 Mayo 2021 (Sabado) 8pm] – Dr. David Michael M. San Juan (PSLLF/Tanggol Wika/DLSU)
MEKANIKS NG PAGLAHOK:
- Ang Pangmadlang Webinar sa Pagsulat ng Saliksik/Artikulong Pang-Journal ng PSLLF ay bukas para sa lahat ng gustong lumahok.
- I-like at i-follow ang Facebook page ng PSLLF (www.facebook.com/PSLLF).
- Markahan ang karampatang tugon sa www.facebook.com/PSLLF/events bago ang lekturang nais lahukan.
- Sa takdang iskedyul, panoorin ang mga lektura sa www.facebook.com/PSLLF/live
- I-share ang video ng lektura gamit ang #PSLLF2021
- Magkomento sa thread sa ilalim ng video (para sa katanungan, reaksyon atbp.). Pana-panahon ding magkakaroon ng live na open forum depende sa mga lektyurer.
- Tiyakin na pinanood ang buong lektura kung nais mag-request ng e-sertipiko ng paglahok.
- Kung nais magkaroon ng e-sertipiko ng paglahok, i-fill-out ang form na ilalabas pagkatapos na pagkatapos ng bawat lektura. BASAHING MABUTI AT SUNDIN ANG BAWAT PANUTO.
- Ang form para sa e-sertipiko ay mananatiling bukas hanggang 1 oras lamang mula sa pagtatapos ng bawat lektura.
- TIYAKING TAMA ANG PANGALAN AT EMAIL ADDRESS (GMAIL DAPAT) NA ITA-TYPE SA FORM DAHIL SYSTEM-GENERATED NA PO ANG MGA E-SERTIPIKO AT HINDI PO MAG-EENTERTAIN NG ANUMANG REQUEST SA PAGPAPALIT NG PANGALAN AT/O MULING PAGPAPADALA NG E-SERTIPIKO.
- Maipapadala ang sertipiko bago matapos ang o pagkalipas ng isang buwan mula sa araw ng lektura. I-check din ang SPAM, SOCIAL, o PROMOTIONS folder ng inyong email. Minsan ay doon ipinadadala ang mga email na mula sa mga address na unang beses pa lamang na makakaengkwentro ng inyong email.
- Ang mga video lecture ay mapapanood pa rin sa Facebook page ng PSLLF kahit tapos na ang iskedyul ng mga lektura. Gayunman, hindi na makahihingi ng sertipiko ang mga manonood nito lagpas sa takdang iskedyul.
LINK SA MGA LEKTURA (2021): https://www.facebook.com/watch/PSLLF/2891500574451088/
FORM PARA SA E-SERTIPIKO: (inilalabas pagkatapos na pagkatapos ng lektura at isinasara rin pagkatapos ng 1 oras).
STATUS NG PAGPAPADALA NG MGA E-SERTIPIKO
- Para sa Lektura 1: NAIPADALA NA (Marso 4, 2021)
- Para sa Lektura 2: NAIPADALA NA (Marso 12, 2021)
- Para sa Lektura 3: NAIPADALA NA (Marso 15, 2021)
- Para sa Lektura 4: NAIPADALA NA (Abril 5, 2021)
- Para sa Lektura 5: NAIPADALA NA (Mayo 10, 2021)
- Para sa Lektura 6: NAIPADALA NA (Mayo 16, 2021)
Ang webinar na ito ay makakatulong upang madagdagan ang aming kaalaman sa pagsulat ng saliksik at at pag gawa ng papel pananaliksik
LikeLike
Mayroon na naman akong karagdagang kaalaman tungkols sa wasting gamit ng mga salita na maari Kong gamitin sa akong mga lektura.Maraming Salamat.
LikeLike
Excellent discussion about the topic
LikeLike
Magandang gabi. Maraming salamat sa pagbabahagi ng inyong kaalaman. Marami akong natutunan
LikeLike
Marami po akong natutunan s inyong ibinahaging lektyur.Makakatulong po ito sa akin bilang isang guro s Filipino.Lalo n ang mga wastong gamit ng mga nakalilitong mga salita,tulad ng NANG at NG. Maraming sakamat po.Pagpalain po kayo ng ating Buhay na Diyos.
LikeLike
Ang paksang tinalakay ay Dagdag aral sa amin bilang estudyante o mag aaral.
LikeLike