Tungkol sa Kawíng* (Refereed Journal ng PSLLF)

*Huling in-update noong 18 Nobyembre 2022)

Pangkalahatang Impormasyon

Ang Kawíng ay refereed/peer-reviewed at open access na journal sa Filipino ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink. (PSLLF). Inililimbag ito nang dalawang beses isang taon (tuwing Hulyo at Disyembre). Sinimulan ng PSLLF ang paglalathala sa Kawíng noong 2017. Pangunahing layunin ng journal na maitaguyod ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, maipalaganap ang mga bagong likhang panitikan ng mga manunulat sa wikang Filipino, at maitampok ang mga akdang salin na makabuluhan sa konteksto ng lipunang Pilipino. 

Libre/walang bayad ang pagsusumite ng manuskrito sa Kawíng at libre/walang bayad din ang paglalathala rito, sapagkat lahat ng patnugot, konsultant, at rebyuwer ng Kawíng ay pawang mga boluntir na hindi rin tumatanggap ng kompensasyon kaugnay ng mga gawain ng journal. [I-click para mabasa ang Detalye Hinggil sa Pagsusumite ng Artikulo, Akda, o Salin.]

ISSN

Rehistrado ang Kawíng sa ISSN National Center Philippines, Bibliographic Services Division, National Library of the Philippines: ISSN 2546-1079 (Online) at 2546-1060 (Print)

Proseso ng Rebyu  (Double-Blind Peer Review/Refereeing Process) at Paglalathala

Ang bawat artikulo, akda, at salin na isinusumite sa Kawíng ay sumasailalim muna sa panimulang rebyu/pagsala ng Punong Editor (Chief Editor) at ng Mga Kawaksing Editor (Associate Editors). 

Pagkatapos ng panimulang rebyu/pagsala, bawat nagsumite ng artikulo, akda, at salin ay tatanggap ng alinman sa mga sumusunod na desisyon: 1) Accepted for Review (tinatanggap para isailalim sa proseso ng double-blind peer review); 2) Desk Rejection (hindi tinanggap at agad na ibabalik sa nagsumite); 3) For Resubmission (hindi tinanggap at agad ibabalik sa nagsumite kasama ang ilang pangkalahatang suhestyon para sa pagpapabuti ng artikulo, akda, o salin, na magiging gabay para ihanda ang manuskrito sa muling pagsusumite nito). Ang korespondensya sa nagsumite at sa mga rebyuwer ay pangangasiwaan ng Tagapangasiwang Editor (Managing Editor).

Ang mga isinumiteng artikulo, akda, at salin na tinanggap para sa rebyu ay sasailalim sa proseso ng double-blind peer review (hindi makikita ng rebyuwer kung kanino ang kanyang nirerebyu at hindi rin makikita ng nagsumite kung sino ang nagrerebyu). Ang mga rebyuwer ay pinipili batay sa kanilang pagiging eksperto sa larangan at/o rekord ng mga publikasyong kaugnay ng artikulo, akda, o salin na irerebyu. 

Para sa proseso ng double-blind peer review, dalawang rebyuwer ang kagyat na itatakda para sa bawat isinumiteng manuskrito. Igagawad ng bawat rebyuwer ang alinman sa mga sumusunod na desisyon gamit ang Peer Review Form ng Kawíng: 1) Approved as is (inirerekomendang ilathala nang walang pagbabago, liban sa formatting at/o citation at/o mga sanggunian); 2) Approved with minor revisions (inirerekomendang ilathala pagkatapos na maisagawa ang mga minor na rebisyon na tinukoy ng rebyuwer); 3) Approved with major revisions (inirerekomendang ilathala pagkatapos na maisagawa ang mga major na rebisyon na tinukoy ng rebyuwer); 4) Rejected (hindi ilalathala at ibabalik sa nagsumite kasama ang mga komento/mungkahi ng rebyuwer). Kapag dalawang rebyuwer ang nagbigay ng desisyong kombinasyon ng alinman sa desisyon blg. 1, 2, at 3 ay ilalathala ang artikulo pagkatapos maisagawa ang mga kinakailangang rebisyon, kasama ang kaugnay na formatting at/o citation at/o mga sanggunian, Kapag isang rebyuwer ang nagbigay ng desisyong alinman sa desisyon blg. 1, 2, at 3, at ang isa pang rebyuwer ay nagbigay naman ng desisyon blg. 4, magdedesisyon ang Punong Editor at Mga Kawaksing Editor kung kukuha pa ng pangatlong rebyuwer bilang tie-breaker o kung ikokonsidera nang rejected (blg. 4) ang manuskrito. 

Ang mga isinumiteng artikulo, akda, o salin na nakapasa na sa proseso ng double-blind peer review ay sasailalim naman sa copyediting bago ilathala.

Deklarasyon Tungkol sa Polisiyang Pangmadlang Akses o Open Access

Sa pangkalahatan, ipinatutupad ng Kawing ang pangmadlang akses (open access) sa lahat ng mga artikulo, akda, o salin sa bawat tomo/isyu ng journal. 

Malaya ang bawat mambabasa, mananaliksik at iba pa na basahin at/o i-download ang lahat ng nilalaman ng bawat tomo/isyu. Malaya rin ang bawat mambabasa, mananaliksik at iba pa na ilagay ang hyperlink/weblink sa Kawing saanmang akademikong website at/o internal na online groups (gaya ng chatrooms, Facebook groups, atbp.). 

Malaya rin ang bawat mambabasa, mananaliksik, manunulat atbp. na sipiin/gamitin ang alinmang bahagi ng mga artikulo, akda, o salin sa bawat tomo/isyu para sa non-commercial purposes (halimbawa, bilang sanggunian sa tesis, disertasyon, saliksik, journal, atbp.), basta’t may angkop na citation at pagbanggit sa mga sanggunian.  Kung lagpas sa isang pahina ang sisipiin (o kung buong artikulo, akda, o salin ang sisipiin o gagamitin), makabubuting magpaalam mismo sa may-akda. 

Para sa pagsipi o paggamit na saklaw ng commercial purposes (gaya sa paglalathala ng mga teksbuk ng mga pribadong kompanya o publikong ahensya na may pondong inilaan para sa paglalathala ng nasabing sanggunian), OBLIGADO ang sisipi/gagamit na magpaalam muna sa may-akda ng artikulo, akda o salin, at OBLIGADO rin ang sisipi/gagamit na sundin ang karampatang citation sa at pagbanggit sa Kawing sa mga sanggunian. 

Samantala, ang mismong may-akda naman ay hindi kailangang magpaalam sa Kawing kung gagamitin niya saanman (o muli niyang ilalathala saanman) ang kanyang artikulo, akda, o salin na unang nalathala sa Kawing, basta’t may karampatang citation sa at pagbanggit sa Kawing sa mga sanggunian. 

Hindi pinapayagan ang pagrere-upload ng anumang materyal sa Kawing sa kahit anong website o internal na database.  

Samantala, pinapayagan naman ang mismong may-akda ng artikulo, akda, o salin na ilagay sa kanyang personal na website, database ng kanilang unibersidad, o kaya’y personal na profile sa isang academic resource sharing website (gaya ng academia.edu, researchgate.net, atbp.).

LUPON NG MGA EDITOR 

 Punong Editor

 Aurora E. Batnag
 PSLLF
 
 Mga Kawaksing Editor 
 
 Jayson Petras
 University of the Philippines-Diliman 
 
 Jonathan Vergara Geronimo
 University of Santo Tomas
 
 David Michael M. San Juan
 De La Salle University-Manila

 Tagapangasiwang Editor
 
 Ma. Anna Villanueva
 De La Salle University-Manila 
 

LUPON NG MGA KONSULTANT 
 

E. San Juan, Jr.
University of Connecticut, USA

Ester T. Rada 
San Beda University-Manila

Fanny A. Garcia
De La Salle University-Manila
  
Francis A. Gealogo
Ateneo de Manila University

German V. Gervacio
Mindanao State University-Iligan Institute of Technology

Isaac Donoso Jiménez
Universidad de Alicante, España

Janet Hope C. Tauro-Batuigas
Ministry of Social Development, New Zealand

Joel Costa Malabanan 
Philippine Normal University-Manila

Joi Barrios-Leblanc
University of California-Berkeley, California, USA
 
Leslie Anne Liwanag 
Central Luzon State University 
 
Leticia C. Pagkalinawan
University of Hawaii in Manoa

Melania Lagahit-Flores
University of the Philippines-Diliman

Pacifico Eric E. Calderon
St. Luke’s Medical Center College of Medicine-William H. Quasha Memorial
 
Ramon G. Guillermo
University of the Philippines-Diliman

Raquel Sison-Buban
De La Salle University-Manila    

Rommel B. Rodriguez
University of the Philippines-Diliman



~~~
BALIK SA HOMEPAGE NG KAWÍNG