PAKIBASA PO NANG BUO (BAWAL NA PONG MAG-FOLLOW-UP SA STATUS NG SERTIPIKO; I-BABAN SA PAGE ANG MAG-FOLLOW-UP SA THREAD): Tanong-Sagot sa Mga E-Sertipiko sa PANAYAMAN 2020 ng PSLLF

PAKIBASA PO NANG BUO (BAWAL NA PONG MAG-FOLLOW-UP SA STATUS NG SERTIPIKO; I-BABAN SA PAGE ANG MAG-FOLLOW-UP SA THREAD). INUULIT PO NAMIN ANG PAKIUSAP: BASAHIN PO NANG BUO PARA HINDI NA KAILANGANING MAGFOLLOW-UP DAHIL SA TOTOO LANG, KUNG LAHAT NG NAGFOFOLLOW-UP AT NANGUNGULIT AY NAGBABASA NG LAHAT NG ATING UPDATE, E HINDI NA KAKAILANGANIN ANG GANITONG KADETALYADONG TANONG-SAGOT. MARAMI SA ATIN ANG GURO NA DAPAT AY MARUNONG MAGBASA NANG MATAMAN – MATAMAN, IBIG SABIHIN, BUO, HINDI PARTE-PARTE LANG ANG BINABASA: BASANG MASIPAG, HINDI BASANG TAMAD. GINAWA PO NAMIN ANG NAPAKADETALYADONG TANONG-SAGOT NA ITO UPANG MAKAIWAS NA SA DELUBYO NG SANTAMBAK NA EMAIL AT MENSAHE NA HALATANG GINAWA NG MGA PARTISIPANT NA HINDI NAGBABASA NANG BUO SA MGA UPDATE. MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAG-UNAWA. ITO PO AY SA HANGARING MAS MAPAGSERBISYUHAN NAMIN KAYO NANG MAS MABILIS AT MAS EPEKTIBO.  PAKIUSAP, PAKIBASA NANG BUO.

Tanong-Sagot sa Mga E-Sertipiko sa Panayaman 2020 ng PSLLF

Tanong: BAKIT HINDI PA RIN AKO NAKARECEIVE NG SERTIPIKO?

Sagot: BAKA HINDI PO KAYO TALAGA NAGFILL-OUT NG POST-LECTURE EVALUATION FORM. PARA MALAMAN KUNG NAGSAGOT KAYO NITO, DAPAT PAGKASAGOT NINYO NG FORM AY MAY NATANGGAP KAYONG SIPI/KOPYA NG SINAGUTAN AT MGA SAGOT NINYO. KUNG WALA KAYONG NATANGGAP NA GANOON SA EMAIL, ALIN SA DALAWA ANG NANGYARI: HINDI PO KAYO TALAGA NAGFILL-OUT NG FORM O KAYA AY MALING EMAIL ADDRESS ANG ITINAYPE NINYO KAYA NAMAN ANG MENSAHE NAMIN NA MAY KALAKIP NA E-SERTIPIKO AY HINDI NAKARATING SA INYO. HALIMBAWA, NAPAKARAMI PONG SA HALIP NA @GMAIL.COM AY @GMAL.COM O KAYA’Y @DEPED.GOV O @DEPED.COM.PH SA HALIP NA @DEPED.GOV.PH ANG NAI-TYPE. OBLIGASYON PO NINYO NA I-TYPE ANG WASTONG EMAIL ADDRESS. SEMI-AUTOMATED NA PO ANG PROSESO NATIN KAYA DI UUBRANG ISA-ISAHIN PA NATIN IYANG IWASTO. 

~~~

Tanong: PAANO KO MALALAMAN KUNG MALING EMAIL ANG NAI-TYPE KO SA POST-LECTURE EVALUATION FORM?

Sagot: Simple lang po: I-CHECK N’YO ANG EMAIL INBOX NINYO. KUNG SIGURADO KAYO NA NAG-FILL-OUT KAYO NG FORM PERO WALA KAYONG NARECEIVE NA KOPYA NG SINAGUTAN NINYO AT NG MGA SAGOT NINYO, PAGKATAPOS NINYONG MAGSAGOT, IBIG SABIHIN PO AY MALING EMAIL TALAGA ANG NAI-TYPE NINYO KAYA NAMAN ANG MGA MENSAHE NAMIN KALAKIP ANG E-SERTIPIKO AY HINDI NAKAKARATING SA INYO AT SA HALIP AY SA MALING EMAIL ADDRESS NA ITINAYPE NINYO NAPUPUNTA.

~~~

Tanong: NAKATANGGAP NAMAN AKO NG KOPYA NG FINILL-OUT KO NA POST-LECTURE EVAL. FORM, KAYA IBIG SABIHIN AY TAMANG EMAIL ANG ITINYPE KO SA FORM, PERO WALA PA RIN AKONG NARERECEIVE NA SERTIPIKO. ANYARE?

Sagot: I-CHECK PO MUNA NINYO ANG SPAM FOLDER at/o PROMOTIONS FOLDER NINYO. Baka doon napunta.

~~~

Tanong: WALA RIN PO SA SPAM FOLDER at/o PROMOTIONS FOLDER KO. ANYARE?

Sagot: MALAMANG PO AY GINAGAWA PA ANG SERTIPIKO. MABABASA PO RITO ANG STATUS NG MGA SERTIPIKO SA BAWAT LEKTURA: https://psllf.org/2020/05/18/status-ng-pagpapadala-ng-e-sertipiko-para-sa-panayaman-2020-ng-psllf/

Isa pang sagot: MALAMANG PO ANG LEKTURA AT SERTIPIKO NA TINUTUKOY NINYO AY SA SERYE NG E-LEKTURA 2020 NG TANGGOL WIKA. Para maalala ninyo kung kaninong lektura ang inyong pinanood at saan dapat mag-abang ng updates, I-CHECK ANG MGA SUMUSUNOD NA LINK:

Panayaman 2020 ng PSLLF: https://psllf.org/2020/05/07/updated-na-iskedyul-at-detalye-sa-pagpoproseso-ng-e-sertipiko-para-sa-panayaman-2020-libreng-e-seminar-sa-intelektuwalisasyon-ng-filipino-psllf50/

Serye ng E-Lektura 2020 ng Tanggol Wika: https://tanggolwika.org/2020/05/03/e-lektura2020/

~~~

Tanong: BAKIT PO NAUNA MAKATANGGAP YUNG IBA?

Sagot: Dahil 10 volunteer po ang nagtatrabaho PARA MAIPADALA AGAD ANG MGA SERTIPIKO, PERO SIYEMPRE, HINDI NAMAN KAMI SABAY-SABAY NAGTATRABAHO. GAYA NG NABANGGIT NA, INAANUNSYO NAMIN KAPAG NAIPADALA NANG LAHAT. KAYA, MULI, IPINAPAALALA NAMIN NA HUWAG NANG PAULIT-ULIT NA MAGFOLLOW-UP KAPAG MALINAW NAMAN SA ANUNSYO NAMIN NA GINAGAWA NA/GINAGAWA PA LANG ANG SERTIPIKO PARA SA MGA PARTIKULAR NA LEKTURA. 

~~~

Tanong: BAKIT HINDI INSTANT ANG PAGPAPADALA NG E-SERTIPIKO?

Sagot: Gaya ng nabanggit na, VOLUNTEER WORK ANG NAGPAPAGANA SA KOMITE SA SERTIPIKO. WALA PO TAYONG BAYARANG EMPLEYADO NA KAGAYA NG MGA MALALAKING KUMPANYANG KOMERSYAL/NEGOSYO. GAYUNDIN, LIBRE ANG BERSYON NG PROGRAMA/APP ETC. NA GINAGAMIT NATIN PARA SA PAGSESERBISYO. KAHIT NITONG MGA NAKARAANG LINGGO NA (SEMI)AUTOMATED NA ANG ATING PROSESO, MAY LIMITASYON SA HANGGANG 500 EMAIL ADDRESSES ANG MAPAPADALHAN GAMIT ANG ISANG KOMPYUTER KADA ARAW (MAY PAGKAKATAON NA PARA LAMANG MAISAGAD ITO AY 5 EMAIL ACCOUNTS ANG GINAGAWA AT GINAGAMIT NG ATING MGA VOLUNTEER KADA ARAW). ANG MGA GAYONG LIMITASYON AY MAAARING MALAGPASAN KUNG MAY KOMERSYAL NA EMAIL APPLICATIONS TAYO (NA KAKAILANGANING GASTUSAN NG HALOS 1,000 PISO KADA BUWAN; NA HINDI NATIN KAYA AT KAYANIN MAN AY HINDI PRAYORIDAD DAHIL MAS MARAMI PA TAYONG DAPAT UNAHING GASTUSAN). HINDI RIN NAMAN MAAARING KUMUHA NG MAS MARAMING VOLUNTEER DAHIL SENSITIBO ANG DATOS NA LAMAN NG PINOPROSESO (EMAIL ADDRESS AT PANGALAN), KAYA NILILIMITAHAN NAMIN SA HALOS 10 LAMANG ANG TAONG NAKATOKA SA E-SERTIPIKO. ANU’T ANUMAN, MABILIS PA RIN ANG ATING PROSESO, CONSIDERING NA HUMIGIT-KUMULANG 5,000 SERTIPIKO ANG AVERAGE NA PINOPROSESO NATIN SA BAWAT LEKTURA. KUNG LAHAT SANA AY NAGBABASA NG MGA UPDATE, AT HINDI KAMI TINATAMBAKAN NG MGA EMAIL AT MENSAHE NA HALATANG IPINADALA SA AMIN NANG HINDI NAMAN BINASA ANG MGA UPDATE NAMIN NA SUMASAGOT NA SA KANILANG MGA TANONG/FOLLOW-UP ETC., MARAHIL AY MAS BIBILIS PA ANG AMING PAGSESERBISYO. KAYA MULI KAMING NAKIKIUSAP NA WAG NANG PAULIT-ULIT NA MAGFOLLOW-UP DAHIL ANG TAMBAK NA EMAIL AT MENSAHE AY NAKAKAAPEKTO SA BILIS NG AMING TRABAHO. ANU’T ANUMAN, GAYA NG NABANGGIT NA,  INAANUNSYO NAMAN NAMIN AGAD KAPAG NATAPOS NA ANG SET NG SERTIPIKO PARA SA PARTIKULAR NA LEKTURA, AT DAPAT, DOON PA LANG MAGSIMULANG MAGFOLLOW-UP ANG MGA HINDI NAKATANGGAP. ANG DAMI-DAMI PO KASI NA NAGFOFOLLOW-UP AGAD E KASASABI LANG NAMIN SA ANUNSYO NA GINAGAWA PA ANG PARA SA GANITO O GANYANG LEKTURA NA FINO-FOLLOW-UP NILA.

~~

Tanong: HINDI PO APLIKABLE SA AKIN ANG MGA NAUNANG TANONG-SAGOT. WALA PA RIN PO AKONG SERTIPIKO. ANYARE?

Sagot: MALAMANG NA KASAMA ANG E-SERTIPIKO NINYO SA NAPAKARAMING NAIPADALA NAMIN (AT TAMA NAMAN NGA ANG EMAIL ADDRESS NINYO, HALIMBAWA) PERO BUMALIK O NAG-BOUNCE SA AMIN ANG AMING IPINADALA SA INYONG EMAIL DAHIL MAHIGPIT ANG EMAIL ADMINISTRATOR/PROVIDER NINYO AT AYAW TANGGAPIN/TUMANGGAP NG EMAIL MULA SA HINDI BAHAGI NG INYONG NETWORK AT/O BAGONG CONTACTS LAMANG. NAPAKA-COMMON PO NITO SA MGA @DEPED.GOV.PH NA EMAIL ADDRESSES, GAYUNDIN SA EMAIL ADDRESSES NA ANG NAG-AADMINISTER AY PAARALAN O KUMPANYA (COMPANY/SCHOOL EMAILS).  

~~~

Tanong: HINDI PO APLIKABLE SA AKIN ANG MGA NAUNANG TANONG-SAGOT. WALA PA RIN AKONG SERTIPIKO. ANYARE?

Sagot: AKALA LANG PO NINYO AY HINDI APLIKABLE SA INYO ANG ALINMAN SA MGA SITWASYONG IYAN, PERO BATAY PO SA GINAWA NAMING PAGRANDOM CHECK SA MGA COMMON NA NAGREREKLAMONG HINDI NAKATANGGAP NG E-SERTIPIKO AY IYAN PO ANG MGA APLIKABLENG SITWASYON. ANU’T ANUMAN, MAY REMEDYO NAMAN KAMI PARA SA MGA GUSTO PA RING MAKAKUHA NG E-SERTIPIKO.

~~~

Tanong: NAKATANGGAP NAMAN PO AKO NG SERTIPIKO PERO MAY MALING SPELLING O MAY GUSTO AKONG IPABAGO.

Sagot: GENTLE REMINDER PO, COPY-PASTE LANG PO NAMIN ANG ITINYPE NINYO NA PANGALAN, KAYA KUNG MAY MALI MAN AY DAHIL MALI ANG NAI-TYPE NINYO. HANGGANG LEKTURA 6 PO AY PAGBIBIGYAN NAMIN KAYO. PERO MULA LEKTURA 7 AY HINDI NA PO MAG-EENTERTAIN NG REQUEST SA PAGPAPABAGO NG SERTIPIKO.

~~~

Tanong: NAG-FILL-OUT NA PO AKO NG FORM PARA SA REMEDYO, PERO WALA PA RIN AKONG NARECEIVE NA E-SERTIPIKO.

Sagot: PAKIHINTAY LANG PO. HANGGANG JUNE 1, 2020 PO AY PWEDENG MAGFILL-OUT NG FORM PARA SA REMEDYO, KAYA PAGKATAPOS NG JUNE 1 AY ABANGAN NINYO ANG ANUNSYO NAMIN HINGGIL SA STATUS NG PAGPAPADALA NG SERTIPIKO SA MGA NAGFILL-OUT NG REMEDYO. NAGSIMULA NA KAMING MAGPROSESO PERO TULUY-TULOY IYAN AT FULL-BLAST MULA JUNE 1, KAYA MAGHINTAY LANG PO.

IAANUNSYO NAMAN PO NAMIN AGAD KAPAG NATAPOS NA AT NAIPADALA NANG LAHAT. GAYUNMAN, TANDAAN PO NATIN NA KUNG NAGBOUNCE NA NAMAN O BUMALIK SA AMIN ANG EMAIL NAMIN AY WALA NA PONG REMEDYO, DAHIL PANGALAWANG BESES NA PO ITONG TSANSA AT KAYO PO ANG NAGTYPE NG EMAIL O GUMAMIT NG EMAIL NA HINDI TUMATANGGAP NG EMAIL MULA SA MGA NASA EXTERNAL NETWORKS.

~~~

TANONG: Bakit hanggang Lektura 6 lang ang remedyo, at mula Lektura 7 ay wala nang remedyo para sa “maling” spelling sa sertipiko o sa mga di makakatanggap ng e-sertipiko?

SAGOT: Mula Lektura 1 to 6 ay BINIGYAN NATIN NG DALAWANG TSANSA ang lahat para makatanggap ng sertipiko. Sapat na po iyan para matutuhan natin ang proseso. Kailangang turuan ng leksyon ang mga lagi nang nagmamadali sa pagsasagot ng form nang di man lang ichineck ang itinype na email address at pangalan, at hindi rin chineck kung nakatanggap siya ng kopya ng kanyang sinagutan. Kailangan pong maging responsable ang lahat ng partisipant sa pagsasagot ng form para makaiwas na sa ganyang mga sitwasyon. KAUGNAY NITO, PAKIBASA PO ANG MGA TIP PARA TIYAK NA MAKATANGGAP KA NG E-SERTIPIKO AT PARA TIYAK NA WALANG “MALI” SA SPELLING

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s