PALIHAN: PSLLF-Kawíng Journal Writeshop 2021

PALIHAN: PSLLF-Kawíng Journal Writeshop 2021

Sa konteksto ng kakulangan ng mga de-kalidad na pananaliksik sa Filipino at kakulangan ng mga mananaliksik na nagsusulat sa Filipino, layunin ng writeshop na ito na linangin ang kasanayan sa pagsulat ng artikulong pang-journal ng mga mag-aaral sa antas gradwado, mga nagsisimulang mananaliksik, mga guro ng pananaliksik at iba pa, sa wikang Filipino.

Mekaniks:

1. Bukas ang palihan sa lahat ng mga mag-aaral sa antas gradwado, mga nagsisimulang mananaliksik, mga guro ng pananaliksik, mga bagong graduate ng programang masteral o doktoral na wala pang masyadong karanasan sa saliksik, at iba pang katulad na indibidwal. Hinihikayat ding lumahok ang mga nananaliksik o planong manaliksik gamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina.   

2. Isumite sa psllf.org.staff@gmail.com ang lahat ng kahingian (huling araw ng pagpapasa: Mayo 31, 2021):

a. Borador ng artikulo (solong gawa ng may-akda) na nakasulat sa wikang Filipino, hindi pa naisusumite sa alinmang journal, at hindi rin kasalukuyang nakasalang sa proseso ng rebyu sa alinmang journal; may abstrak sa Filipino at English (150-500 salita) at 5 susing salita; APA ang citation format; Arial 12 ang font type at size; 1.15 spaced; 12-40 pahina ng short bond paper (kasama na ang mga sanggunian); gamit ang template na ito:

b. Sipi ng latest na curriculum vitae (pokus sa edukasyon; trabaho/propesyunal na karanasan; mga publikasyon, kung mayroon)

3. Sasailalim sa panimulang rebyu ng pamatnugutan ng Kawíng Journal ang mga isinumite, at 10-15 fellow ang pipiliin mula sa mga aplikante. Sa Hunyo 4 ang pag-aanunsyo ng napili.

4. Ang papel na isinumite ng bawat fellow ay hindi maaaring isumite saanmang journal o book project, hanggang sa matapos ang writeshop.

5. Lahat ng fellow ay kailangang lumahok sa bawat  sesyon/lekturang online kaugnay ng pagsulat ng saliksik na pang-journal (mula Hunyo 5 hanggang Hulyo 3; isang lektura kada linggo). Asynchronous ang mga lekturang ito at may mga partikular na lektura na kinakailangan magsumite ng maikling awtput, batay sa kahingian ng lektyurer.

6. Magtatakda ng isang synchronous na sesyon sa Hulyo 10 upang pormal na magkakila-kilala ang mga fellow at mga lektyurer at mentor.

7. Bawat fellow ay magkakaroon ng mentor na gagabay sa kanya sa buong proseso ng writeshop.

8. Pipiliin ng mga direktor ng writeshop ang mga mentor batay sa mga paksa ng papel ng mga mapipiling fellow.

9. Maaaring magsagawa ng mga bukod na sesyong pagsasanay ang bawat mentor para sa kani-kanilang mga fellow.

10. Ang writeshop ay sasaklaw rin sa regular na korespondensya sa pagitan ng mga fellow at mga mentor, 2 buwan pagkatapos ng mga sesyon/lektura (mula Hulyo 10 hanggang Setyembre 10), para sa patuloy na rebisyon ng journal article.

11. Pagkatapos ng nasabing 2 buwan, batay sa rekomendasyon ng mga mentor ay maaaring ilathala ng Kawíng Journal ang ilang awtput, subject sa regular na proseso ng peer review/refereeing. Ang fellow ang magdedesisyon kung sa Kawíng niya ito isusumite o sa ibang journal. Sakaling sa ibang journal niya ito isumite, kailangang banggitin sa bahaging acknowledgement na ang papel ay nadebelop sa PSLLF-Kawíng Journal Writeshop 2021. 

12. Pagkakalooban ng sertipiko ng partisipasyon at pagkilala ang bawat fellow pagkatapos na masagutan nila ang evaluation form ng palihan at maisumite ang nirebisang borador ng kanilang papel sa mga direktor ng palihan (kahingian ito ng palihan at bukod pa ito sa pagsusumite sa Kawíng o sa alinmang journal).

###

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s