Kawíng Tomo 5 Bilang 2 (Disyembre 2021)
[p. 1-25] —– Melissa Louise M. Prieto
~~~
Balik sa buong isyu: Kawíng Tomo 5 Bilang 2 (Disyembre 2021)
~~~

Kawíng Tomo 5 Bilang 2 (Disyembre 2021)
[p. 1-25] —– Melissa Louise M. Prieto
~~~
Balik sa buong isyu: Kawíng Tomo 5 Bilang 2 (Disyembre 2021)
~~~

Kawíng Tomo 5 Bilang 2 (Disyembre 2021)
Pabalat, Pamatnugutan, Lupon ng Mga Konsultant, at Mula sa Punong Editor (Kawíng 5.2)
[p. vii-viii] —– Aurora E. Batnag
~~~
Balik sa buong isyu: Kawíng Tomo 5 Bilang 2 (Disyembre 2021)
~~~

[Huling in-update noong 24 Agosto 2022]
PAUNAWA: Tiyakin po na bago magsumite ay 1) may GMAIL account po kayo (o kaya’y school/university email na GMAIL-administered); 2) nabasa na ang permanenteng PANAWAGAN para sa Mga Papel, Pananaliksik, Artikulo, Akdang Pampanitikan (Orihinal o Salin); at 3) naihanda na ang WALANG PANGALAN na manuskrito ng artikulo, akda, o salin AT sipi ng pormularyo batay sa opisyal na templates.
FORM SA PAGSUSUMITE (AVAILABLE lamang po ito MULA Enero hanggang Hunyo 2024) (i-click ang aplikable para ma-access ang form kapag sumapit na ang nakatakdang petsa)
Para sa ARTIKULO
Para sa AKDA
Para sa SALIN

PALIHAN: PSLLF-Kawíng Journal Writeshop 2021
Sa konteksto ng kakulangan ng mga de-kalidad na pananaliksik sa Filipino at kakulangan ng mga mananaliksik na nagsusulat sa Filipino, layunin ng writeshop na ito na linangin ang kasanayan sa pagsulat ng artikulong pang-journal ng mga mag-aaral sa antas gradwado, mga nagsisimulang mananaliksik, mga guro ng pananaliksik at iba pa, sa wikang Filipino.
Mekaniks:
1. Bukas ang palihan sa lahat ng mga mag-aaral sa antas gradwado, mga nagsisimulang mananaliksik, mga guro ng pananaliksik, mga bagong graduate ng programang masteral o doktoral na wala pang masyadong karanasan sa saliksik, at iba pang katulad na indibidwal. Hinihikayat ding lumahok ang mga nananaliksik o planong manaliksik gamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina.
2. Isumite sa psllf.org.staff@gmail.com ang lahat ng kahingian (huling araw ng pagpapasa: Mayo 31, 2021):
a. Borador ng artikulo (solong gawa ng may-akda) na nakasulat sa wikang Filipino, hindi pa naisusumite sa alinmang journal, at hindi rin kasalukuyang nakasalang sa proseso ng rebyu sa alinmang journal; may abstrak sa Filipino at English (150-500 salita) at 5 susing salita; APA ang citation format; Arial 12 ang font type at size; 1.15 spaced; 12-40 pahina ng short bond paper (kasama na ang mga sanggunian); gamit ang template na ito:
b. Sipi ng latest na curriculum vitae (pokus sa edukasyon; trabaho/propesyunal na karanasan; mga publikasyon, kung mayroon)
3. Sasailalim sa panimulang rebyu ng pamatnugutan ng Kawíng Journal ang mga isinumite, at 10-15 fellow ang pipiliin mula sa mga aplikante. Sa Hunyo 4 ang pag-aanunsyo ng napili.
4. Ang papel na isinumite ng bawat fellow ay hindi maaaring isumite saanmang journal o book project, hanggang sa matapos ang writeshop.
5. Lahat ng fellow ay kailangang lumahok sa bawat sesyon/lekturang online kaugnay ng pagsulat ng saliksik na pang-journal (mula Hunyo 5 hanggang Hulyo 3; isang lektura kada linggo). Asynchronous ang mga lekturang ito at may mga partikular na lektura na kinakailangan magsumite ng maikling awtput, batay sa kahingian ng lektyurer.
6. Magtatakda ng isang synchronous na sesyon sa Hulyo 10 upang pormal na magkakila-kilala ang mga fellow at mga lektyurer at mentor.
7. Bawat fellow ay magkakaroon ng mentor na gagabay sa kanya sa buong proseso ng writeshop.
8. Pipiliin ng mga direktor ng writeshop ang mga mentor batay sa mga paksa ng papel ng mga mapipiling fellow.
9. Maaaring magsagawa ng mga bukod na sesyong pagsasanay ang bawat mentor para sa kani-kanilang mga fellow.
10. Ang writeshop ay sasaklaw rin sa regular na korespondensya sa pagitan ng mga fellow at mga mentor, 2 buwan pagkatapos ng mga sesyon/lektura (mula Hulyo 10 hanggang Setyembre 10), para sa patuloy na rebisyon ng journal article.
11. Pagkatapos ng nasabing 2 buwan, batay sa rekomendasyon ng mga mentor ay maaaring ilathala ng Kawíng Journal ang ilang awtput, subject sa regular na proseso ng peer review/refereeing. Ang fellow ang magdedesisyon kung sa Kawíng niya ito isusumite o sa ibang journal. Sakaling sa ibang journal niya ito isumite, kailangang banggitin sa bahaging acknowledgement na ang papel ay nadebelop sa PSLLF-Kawíng Journal Writeshop 2021.
12. Pagkakalooban ng sertipiko ng partisipasyon at pagkilala ang bawat fellow pagkatapos na masagutan nila ang evaluation form ng palihan at maisumite ang nirebisang borador ng kanilang papel sa mga direktor ng palihan (kahingian ito ng palihan at bukod pa ito sa pagsusumite sa Kawíng o sa alinmang journal).
###

Paunawa: Bago sipatin ang webpage na ito, tiyakin na nabasa muna NANG BUO ang mga detalye sa PANAWAGAN para sa Mga Papel, Pananaliksik, Artikulo, Akdang Pampanitikan (Orihinal o Salin) sa Mga Regular na Isyu ng Journal na KAWÍNG ng PSLLF. Maraming salamat po.
OPISYAL NA TEMPLATE NG WALANG PANGALAN NA MANUSKRITO/ANONIMONG FILE NA ISUSUMITE [Inirerekomendang buksan sa laptop/desktop computer; i-click ang link, i-click ang FILE sa mga opsyon at pagkatapos ay i-click ang DOWNLOAD.]
Para sa ARTIKULO (saliksik/papel/rebyu)
Para sa AKDA (tula, sanaysay, maikling kwento, dagli, dula, CNF, atbp.)
BUKOD NA PORMULARYO NA KAILANGANG ISUMITE KASABAY NG MANUSKRITO [Inirerekomendang buksan sa laptop/desktop computer; i-click ang link, i-click ang FILE sa mga opsyon at pagkatapos ay i-click ang DOWNLOAD.]
PEER REVIEW FORM & RUBRIK para sa mga artikulo/akda/salin (makatutulong ito para malaman ng may-akda/tagasalin kung saang bahagi pa niya dapat pagbutihin/isaayos ang kanyang artikulo/akda/salin BAGO ISUMITE)
FORM SA PAGSUSUMITE (AVAILABLE lamang kapag malapit na ang dedlayn ng pagsusumite para sa susunod na isyu) [Open na ang form ngayong Agosto 24 hanggang Setyembre 7, 2022]
Panawagan para sa Mga Aplikante: Mga Tagapamahalang Editor at Mga Kawaksing Editor para sa Kawíng Journal ng PSLLF*
*inupdate ang anunsyo ngayong 30 Setyembre 2021
Mga minimum na kahingian para sa Mga Tagapamahalang Editor (Managing Editor):
1) Tapos ng programang masteral
2) Lifetime member ng o nakapag-annual membership sa PSLLF
3) Preferably, may karanasan sa pangangasiwa ng journal o kaya’y kaugnay na karanasan gaya ng gawain sa publishing house atbp.
Mga Gawain ng Tagapamahalang Editor:
1) Paghahanda ng files para sa rebyu ng mga artikulo at akda.
2) Korespondensya sa mga rebyuwer
3) Korespondensya sa mga nagsumite ng saliksik/akda
~~~
Mga minimum na kahingian para sa Mga Kawaksing Editor (Associate Editor):
1) Tapos ng programang doktoral
2) Lifetime member ng o nakapag-annual membership sa PSLLF
3) Preferably, may karanasan sa pangangasiwa ng journal o kaya’y kaugnay na karanasan gaya ng gawain sa publishing house atbp.
Mga Gawain ng Kawaksing Editor:
1) Paglahok sa deliberasyon sa panimulang rebyu/pagsala ng mga artikulo at akda.
2) Monitoring sa korespondensya sa mga rebyuwer
3) Monitoring sa korespondensya sa mga nagsumite ng saliksik/akda
4) Monitoring sa progreso ng rebisyon ng saliksik/akda (para sa bawat editor, humigit-kumulang 15 saliksik at/o akda kada isyu ng journal)
Mga kailangang isumite sa aplikasyon (ipadala sa psllf.org@gmail.com):
1) Curriculum Vitae
2) E-copy ng transcript of records (mula kolehiyo hanggang sa huling natapos na digri)
3) E-copy ng 2 nalathalang saliksik (kung mayroon)
Paunawa: Hinihikayat ang mga kwalipikadong aplikante na AGAD magsumite ng aplikasyon. Agad na dedesisyunan ang bawat aplikasyong matanggap, isang linggo pagkatapos ng pagsusumite nito. Ang pagtanggap ng aplikasyon ay magpapatuloy hanggang sa may mapiling aplikante. Walang honorarium o anumang bayarin na matatanggap ang mapipiling aplikante dahil ang posisyong ito’y gawaing boluntir, gaya ng sa iba pang editor at konsultant ng Kawíng.
Hinihikayat ang bawat aplikante na sipatin din ang webpage ng journal.

ISKEDYUL (pana-panahong i-uupdate):
MEKANIKS NG PAGLAHOK:
LINK SA MGA LEKTURA (2021): https://www.facebook.com/watch/PSLLF/2891500574451088/
FORM PARA SA E-SERTIPIKO: (inilalabas pagkatapos na pagkatapos ng lektura at isinasara rin pagkatapos ng 1 oras).
STATUS NG PAGPAPADALA NG MGA E-SERTIPIKO

SURI, SALIKSIK, SANAY 4: Pambansang Kumperensya at Webinar-Worksyap sa Wika at Panitikan 2020 (via Zoom)
*Ipag-aaplay ng PSLLF ng CPD units kaya’t may inaasahang karampatang CPD units.
Registration fee para sa miyembro ng PSLLF (lifetime, 2019, o 2020): 600 piso (Panahon ng pagbabayad: Oktubre 15-Nobyembre 16)
Registration fee para sa hindi miyembro ng PSLLF: 800 piso (Panahon ng pagbabayad: Oktubre 15-Nobyembre 16)
REHISTRASYON para sa magbabasa ng papel, gurong magpapakitang-turo at finalist ng Gawad PSLLF sa Saliksik 2020: depende sa membership status ang halaga (Panahon ng pagbabayad: Oktubre 15-Nobyembre 6)
Paraan ng pagbabayad: deposito o fund transfer sa UCPB ACCOUNT NAME: Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino Inc. at ACCOUNT NUMBER: 10-120-0000-932
AGAD i-email ang deposit slip o screenshot ng online fund transfer, at ang katibayan ng membership (kung mayroon) sa sss4.psllf@gmail.com
Antabayanan ang CALL FOR PAPERS para sa kumperensya, CALL FOR PROPOSALS para sa demo teaching panel, at CALL FOR PARTICIPATION para sa Gawad PSLLF sa Saliksik 2020 (Gradwadong Tesis at Disertasyon)
IMBITASYON at IBA PANG DOKUMENTO:
Sipi ng programa:
Paki-share na rin po. Maraming salamat!